PEP Coalition

We fight for truth, justice and good corporate governance!

Lagay ng ‘Pre-need’ Kakalkalin

Abante Tonight
Feb. 2, 2009
by Rey Marfil

Sa harap ng P40 bilyon pagkalugi ng pre-need industry, tatalupan ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang pang-aabuso sa libu-libong plan holders ng may-ari ng mga nagsarang kumpanya.

Ngayong umaga, ipinatawag nina Sens. Mar Roxas, chairman ng Senate committee on trade and commerce, at Francis ‘Chiz’ Escudero III, chairman ng Senate committee on banks, ang iba’t ibang lider ng organisasyon ng mga pre-need plan holders, kabilang ang pamunuan ng Security and Exchange (SEC).

Pinasisipot din nina Roxas at Escudero sa joint public hearing ng dalawang komite sina Department of Finance (DOF) Sec. Margarito Teves, at Securities and Exchange Commission (SEC) chair Fer Barin upang mabigyang proteksyon ang mga plan holder matapos lumutang ang P40 bilyong pagkalugi ng industriya bunga ng global financial crisis.

“Mahalaga na protektahan natin ang mga plan holders na ang tanging gusto ay mag-impok para sa kinabukasan ng kanilang pamilya. Matagal na nating alam na may problema ang industriya, at tatanungin natin ang mga opisyal ng SEC at finance department kung bakit wala silang ginawa para ayusin ito,” ani Roxas.

Bilang paunang aksyon, umaasa si Roxas mabibigyang kasagutan ang problema sa pre-need industry lalo pa’t pumasa sa 3rd reading ang Pre-Need Code na unang inisponsoran ni Sen. Edgardo Angara, chairman ng Senate committee on finance.
Sa ilalim ng Pre-Need Code, dadagdagan ang regulasyon para protektahan ang mga plan holder sa harap ng global financial crisis at nakaumang na pagsasara ng mga karagdagan pang pre-need companies.

“Additional legislation may be needed to protect consumers’ interest, and due to the wide-ranging and catastrophic impact of the global financial crisis in other markets abroad, it is our primary responsibility as the country’s leaders to ensure our investing public will not be in the losing end again this time,” giit ni Roxas.

February 2, 2009 - Posted by | Philippine Newspapers/Web News | , , ,

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: