PEP Coalition

We fight for truth, justice and good corporate governance!

Angara Kampi sa Pre-need

Abante
July 6, 2006
ni Boyet Jadulco

Kinampihan ni Sen. Edgardo Angara ang mga pre-need firm na pumalpak sa pagbibigay ng educational benefits sa kanilang mga planholders nang hindi na nito isulong pa ang pagsasagawa ng hearing ng komiteng pinamumunuan ukol dito at sa halip ay ipinabahala sa ibang komite ang pag-iimbestiga sa isyu.

Dalawang hear-ing pa lamang (Pebrero 4, 2005 at Mayo 31, 2005) ang nagagawa ng Senate committee on banks, financial institutions and currencies ni Angara ukol sa reklamo ng mga planholders sa hindi mapakina-bangang educa-tional plans sa College Assurance Plan (CAP), pero nagpahayag na ito agad noon ng pagnanais na itigil ang imbestigasyon upang maiwasan umano ang ‘divisiveness’ o pagkakahati-hati.

Hindi maliwanag kung pagkakahati-hati nino ang nais na iwasan ng senador sa suspension ng hearing sa pre-need ng kanyang komite.

Kinuwestiyon ang desisyon ng senador sa agarang pagpapatigil ng imbestigasyon dahil kung noong inireklamo umano ng kapwa senador na si Juan Ponce Enrile ang pag-iisyu ng unauthorized security ng Standard and Charter Bank, umaatikabong siyam na hearings ang iniukol ng kanyang komite hinggil dito, nakapagtatakang milyong bilang ng mga estudyante ang apektado sa kapalpakan ng pre-need firms pero hanggang dalawang hearing lamang ang ginawa at ipinasa na ang pag-iimbestiga ng kaso sa komite ni Sen. Mar Roxas – ang Senate committee on trade and commerce.

DEBATE

Matapos malaman na nais nang ipatigil ni Angara ang imbestigasyon sa nasabing isyu, nagkaroon ng mainitang debate nang tumayo sa bulwagan ng Senado si Osmeña at kinuwestiyon ang madaliang pagpapasara ng senador sa kontrobersyang kinasasangkutan ng CAP.

“Ako ang kumuwestiyon niyan for not looking into validity of complaints of one million planholders and the plunder of the trust fund of CAP, or PEP,” ani Osmeña sa ginawa niya kay Angara noong nakaraang taon.

PAMEMEKE NG CAP

Kabilang sa mga natuklasan ng isinagawang hearing ng komite ni Roxas ay ang pamemeke o ang pag-bloat sa record ng assets ng CAP upang mapalabas na stable pa rin ang kumpanyang ito. Kabilang sa ibinigay na ehemplo ay ang pagbagsak ng trust fund ng CAP mula P8.7 bilyon noong Pebrero 2005 pababa ng P4.7 bilyon noong Mayo 2005 gayung P400 milyon lamang ang inilabas para ma-reimburse ang tuition fee.

Dagdag pa rito, pinalabas nilang P2.1 bilyon ang halaga ng bonds nila sa MRT gayung ayon kay Osmeña, ay nagkakahalaga lamang ito ng P400 milyon.

Nag-akusa rin si Atty. Maricel Lopez, abogado ng mga nadehadong planholders ng CAP na kaya naubos ang trust fund ng CAP ay dahil sa inilipat nila ito sa affiliated corporations tulad ng Camp John Hay Development Corporation, Metro Railway Transit at Fil-Estate Company.

Kinumpirma rin ni Roxas ang paggamit ng trust fund bilang pang-kapital ng mga korporasyong konektado sa CAP.

Dahil sa secondary committee lamang, ipinasa ni Roxas kay Angara ang lahat ng impormasyong nakuha sa karagdagang apat na araw na committee hearing.

WALANG PARUSA

Sa joint committee report na inilabas noong Nobyembre 22, 2005 ukol sa mga reklamo sa pre-need, bigo ang Senado na maparusahan ang mga opisyales ng kumpanyang sumira sa kanilang pangako sa mga planholders.

Naging tahimik ang mga ito sa kung ano ang dapat panagutan sa batas ng mga CAP officials.

Nang tanungin naman si Osmeña kung bakit walang inirekomendang pagkaso sa CAP ang komite ni Angara, sinabi ng senador na mas mabuting ang committee chairman na lamang ang sumagot dito kasabay ng pagpapasaring na maaaring tinulugan ni Angara ang problema ng CAP officials.

“Ask Angara. He only held two hearings on the pre-need code. Refused to call more. Left everything to technical working group,” ani Osmeña.

REKOMENDASYON

Upang masolusyunan ang mga problemang kinakaharap ng pre-need industry sa bansa, itinulak ni Angara ang pagpapatibay ng Senate Bill 2169 o “An Act Establishing the Pre-Need Code of 2005”.

Sa naturang panukala, ang magiging regulator ng pre-need companies ay ang Insurance Commission (IC) dahil ang pre-need plans ay kahintulad din umano ng insurance products.

‘DI KUNTENTO

Sa kabila ng mga rekomendasyon ng komite, hindi naman kuntento rito si Sen. Roxas kung kaya’t nais pa niyang maghain ng amendment sa panukalang ito upang lalong mabigyan ng proteksyon ang mga parukyano ng pre-need company.

Ikinatuwiran nito na ipapagamit umano sa IC ang “risk based principles” na katulad ng ginagamit sa mga bangko. Aniya, mas mainam na ang konsepto pa rin ng trust fund ang ipairal sa sistemang ito.

July 6, 2006 - Posted by | Philippine Newspapers/Web News | , ,

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: