PEP Coalition

We fight for truth, justice and good corporate governance!

5,000 biktima ng pre-need companies nagsama-sama

Abante Tonite
Apr. 30, 2006
ni Tina Mendoza

Dahilan sa kawalang aksyon ng administrasyong Arroyo sa problema sa mga pre-need companies na bigong magbayad ng premium sa kanilang mga planholders, isang koalisyon na binubuo ng may 5,000 planholders ang itinatag kahapon na naglalayong magkaroon ng boses sa kanilang ipinaglalabang karapatan.

Tinawag na “PEP” (Parents Enabling Parents), layunin ng samahan na magsama-sama upang mabawi ang kanilang perang nawala na dapat sana ay pambayad ng matrikula para sa edukasyon ng kanilang mga anak.

Ang PEP ay inilunsad kahapon sa St. Paul College of the Philippines sa Pasig kung saan kabilang sa mga miyembro nito ang planholders mula sa iba’t ibang pre-need companies na nagkakaroon ng problemang pinansyal, kabilang ang CAP, Platinum Plans, Capitol at TPG.

Ayon kay Philip Piccio, presidente ng PEP Coalition at isa ring biktima ng pre-need companies, kung naging bingi ang pamahalaan sa kanilang indibidwal na pag-apela na aksyunan ang kanilang problema, umaasa sila na sa pamamagitan ng binuong koalisyon ay mas pakikinggan sila ng mga kinauukulan.

Sa ngayon ay pawang pangako lamang umano ang kanilang natatanggap mula sa mga pre-need companies na kalaunan ay wala namang nangyayari, dahil dito inamin ni Piccio na pinaghahandaan na ng koalisyon ang pagsasampa ng kasong syndicated estafa laban sa mga may-ari ng pre-need companies na bumiktima sa kanila.

Nakakuha naman ng suporta ang PEP sa katauhan ni Sen. Jamby Madrigal na dumating sa nasabing assembly.

Sinabi ni Madrigal na malaki ang kakulangan ng Security and Exchange Commission (SEC) sa problema ng mga planholders at ipinanukala ang pagtatatag ng isang “white collar plan” na tutulong sa mga planholders para mabawi ang kanilang pera.

Tina Mendoza

April 30, 2006 - Posted by | Philippine Newspapers/Web News | , , , , , ,

2 Comments »

  1. is there still a way how we can get our money back?

    Comment by annabelle v, san juan | August 17, 2012

  2. meron n po bang naibalik n pera sa inyo and phil asia care plans inc? nabiktima
    din kc nito ang nanay ko,

    Comment by sheryl dela peña | August 28, 2012


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: