PEP Coalition

We fight for truth, justice and good corporate governance!

Feedback: S.E.C. still sleeping on the job

By Pompeyo Pedroche, reader
Apr. 27, 2009

Recently on TV, we were witness to the hundreds of pre-need plan holders swarming the offices of the Prudentialife and Permanent Plans with the usual complaint: the companies do not have enough funds to reimburse their investments. Again?
This simply points to the fact that ChairLady Barin and her oversight commissioners at SEC have for the second, yes, second time shirked their responsibilities and betrayed the trust of their constituents.
Call it collective irresponsibility and incompetence or call it Barin’s old age, the Legacy experience didn’t touch the heart and integrity of these so-called protectors of the people. Even the head of Permanent Plan was saying on TV that the SEC failed to advise his company early enough before the anomaly presented itself publicly.
It is true that SEC has suspended the license of one company – but when? only when the damage has been done and when the money was already gone. Ano pa ang silbi ng damo kung patay na kabayo? Imagine, the poor clients are being appeased with coffee, tea, over the counter medicine, and memorial lots in exchange for their lost money. What idiot will accept that deal?
Maybe, Secretary Barin and her company of inutile commissioners will. By the way, Ginang Barin, bakit di na lang po kayo mag-resign o mag-retire? May pera naman po kayo from your own pension plan. Give other qualified people with younger and sharper minds the chance to take over your place.
Pompeyo S. Pedroche
Colonia, New Jersey
pspedroche[at]msn.com

as of 04/27/2009 3:49 PM

April 27, 2009 Posted by pepcoalition | Letters to the Editor | | No Comments Yet

An open letter to Sen. Mar Roxas on pre-need issues

By concerned reader | 04/08/2009 5:50 PM

Senador Mar Roxas:

Ako po ay sumulat sa inyo upang maipahatid ko ang aming hinaing sa inyo at sa iba pa ninyong kasamahan sa Senado.

Hindi ko pa maintindihan kung bakit ganon na lamang ang panggigipit na ginagawa nyo sa mga pre-need companies ngayon? Ako po ay isa lamang empleyado at hindi naman ganon karunong sa batas. Ang naiintindihan ko ay dahil sa mga  ginagawa nyo, mas maraming empleyado ang mawawalan ng trabaho.

Maaari po ba n’yong bigyan ng linaw ang mga sumusunod :

1.) Ang nangyari sa Legacy group ay walang duda na isang Scam, bakit kailangan nyong idawit ang ibang pre-need companies na patuloy na tapat na nag-seserbisyo sa kanilang mga planholders?

2.) Sa ibang bansa, ang gobyerno ang gumagawa ng paraan para ma-isalba ang mga apektadong Kumpanya. Dito sa Pilipinas, kayo ang gumagawa ng paraan upang mapabagsak ang pinagkukunan namin ng kabuhayan.

3.) Nauunawaan nyo po ba na apektado din ng global crisis at economic downturns ang mga pre-need companies?

4.) Ilan na lang po ang mga pre-need companies na tumagal sa industriya. Na-check nyo po ba  kung ilan na ang mga estudyanteng napagtapos nila dahil sa mga education plans? na kung ilan na ang nabigyan nila ng pension ? na kung ilan  na ang memorial services na ang kanilang naiserbisyo?

Kami po ay parte ng isa sa mga kumpanyang ito Senador Roxas. Na anytime soon ay nanganganib na rin na mawalan ng trabaho. Alam nyo po ba na marami na kaming sakripisyo na pinag-daanan upang maprotektahan namin ang interest  ng aming mga planholders? At patuloy pa rin pong gumagawa ng mga paraan upang maisakatuparan namin ang aming mga obligasyon  sa mga pamilyang Pilipino gayon din upang patuloy na mabigyan ng pag-asa ang ilang libong pamilya na sa kumpanyang ito ay  umaasa.  Ano po ang maipapangako nyo sa amin kung kami’y mawalan ng hanapbuhay?

5.)Kung totoo pong concern kayo sa mga mamamayang Pilipino, bakit ngayon lang po kayo nag-dadadakdak dyan sa Senado?  Matagal na ang kaso ng CAP at Pacific Plans pero wala kayong ginawa. Kung noon pa lang ay naaksyunan na ito,  eh di sana’y hindi na nakapanloko pa ang Legacy..  siguro dahil malapit na ang 2010 at kailangan nyo nang magpapogi.  Nakakalungkot isipin na marami sa ating mga pulitiko ngayon na ginagamit na ang entablado ng kamara upang magpakitang gilas sa masa.  Hindi nyo po ba kayang gawin na bantayan ang SEC at gayon din protektahan din kami?  Sa tingin ko po’y masyadong one-sided ang tingin nyo sa sitwasyon.

Senador, sana po ay mabigyan nyo ng tuon ang liham kong ito at sana po ay matulungan nyo kami.

Lubos na umaasa,

Isang botante at taxpayer
s.allyson[at]rocketmail.com

as of 04/08/2009 5:51 PM

April 8, 2009 Posted by pepcoalition | Letters to the Editor | | 1 Comment